Wednesday, June 09, 2010

mga gamit sa kusina

Ang Alamat ng Gintong Kaserola

Lintek! Akala ko pa naman kapag nagluluto na ako, mas makatitipid ako. Parang mali yata. Kanina nag-grocery uli ako at di ko maiwasang bumili ng kung ano-anong sangkap. Nariyan ang tomato sauce, green peas, bell pepper, cucumber, etc. Mga sangkap na hindi ko naman alam kung saan ilalahok. Earlier, I also had the compulsion to own an extra frying pan. Kaya binili ko na rin. Kesa mapanaginipan ko pa kinagabihan. Sa kaiikot ko sa grocery, umabot na naman ako ng $40. Three days ago, nag-grocery din ako at kulang-kulang $50 ang nagastos ko. Ewan ko ba. Gusto ko laging may supply ng kamatis, carrots, sibuyas, bawang, mantika, miswa, giniling, etc. Ganito ba talaga kapag bitten ka na ng cooking bug?

Dumaan muna ako sa Target to buy a fluorescent lamp. Hindi na kasi gumagana ang nasa kusina ko. Sa gabi ako madalas magluto, usually from 9pm to 12mn. Siguro naiimbyerna na ang neighbor ko dahil sa kalabugan ng kaldero, ingay ng tubig sa gripo at mantikang di mapakali sa pagkulo. Sino ba namang baliw ang nagpiprito sa kalagitnaan ng gabi? Well. Pasensia na, yun lang ang available time ko.


Going back to fluorescent lamp, after 3 years of living in my unit, ngayon lang ito naubusan ng power. Kaya ang dilim-dilim ng kusina. Ito muna ang ginamit kong replacement.


Para tuloy akong bulag na pakapa-kapa sa dilim. Ang problema na lang ay kung paano ko ikakabit ang lamp sa kisame. I think I might need a Mexican help again. Ligwak na naman ang $10 ko (for 30-minute service). Kasi naman yung nangakong magkukumpuni ay no-show kanina. It's better to hire help kesa masugatan pa ako or makuryente in my attempt to be Spiderman.

After 6 years, naisipan ko na ring bumili ng general tool kit. Paano ba ako nag-survive sa napakahabang panahon na walang martilyo, plies at screwdriver sa bahay? It's sooo beyond me.


And yes, I'm prep for any disaster now. Meron na kasi akong flashlight.

No comments: